Sabado, Oktubre 20, 2012

Ang pinagmulan ng pagiging Bakla.

Ang pagiging bakla ay hindi minamana, hindi isang sakit na kung tratuhin ng ibang tao ay isang salot sa lipunan. Masisisi ba ng ibang tao kung ang isang lalaki ay naging bakla?
Kahit kailan hindi kasalanan ng isang bakla kung bakit siya naging bakla. Ang paging bakla ay isang nakatadhanang pangyayari sa buhay ng tao na kusa lamang dumarating. Kung ang tadhanang ito ay dumating sa isang lalaki, nasa kanya na kung gusto na bya itong itago o ilabas ang tunay nyang damdamin. Lahat tayo ay may kalayaan, bawat isa sa atin ay may karapatan. Karapatan na kahit kailan man ay hindi maaring tapakan ng nino man, karapatan nating mabuhay, lumigaya, at magmahal ng pantay-pantay. Bawat isa sa atin ay walang karapatang panghimasukan ang buhay na gustong tahakin ng ibang tao.

Ang mga bakla ay hindi isang bangko na kahit kailan mo gusto ay pwede kang mag withdraw ng withdraw ng pera. Ang mga bakla ay hindi isang manhid na kahit kailan mo gusto ay pwede mong baliwalain. At higit sa lahat, ang pagiging bakla ay hindi salot o malubhang sakit na dapat mong katakutan. Lalaki, babae, bakla, tomboy, lahat tayo ay pantay-pantay, walang sekswalidad lahat tayo ay may karapatang magmahal.

Kahit saang libro mo man hanapin, walang makakapagpatunay na ang pagiging bakla ay isang sakit.

Ayon sa seyensya (Science) ang pagiging bakla daw ng isang tao ay hindi dahil sa isang sakit. Ang sekwalidad ng isang tao ay basi sa produksyon ng tinatawag na hormones sa loob ng ating katawan. Ang hormones ay isang parti ng ating katawan o sistema na kung saan lahat tayo ay mayroon. Ito ang nagsasabi sa ating utak kung ano ang ating nararamdaman, ating dapat ikilos, at dapat na pakikitungo sa ating kapwa at sa opposite sex. Ang lalaki at babae ay parihong myroong male at female hormones, sa lalaki mas marami ang male hormones kaysa sa female hormones na kung saan ito ay nakakapagbigay sa kanila ng pakiramdam ng pagiging tunay na lalaki. Samantalang ang mga babae naman ay my higit na maraming female hormones kaysa sa male hormones na nakakapagbigay naman sa kanila ng pakiramdam ng pagiging tunay na babae. Sa kaso ng mga Bakla at Tomboy, mayroon silang mas higit na bilang ng male at female hormones sa kanilang katawan na hindi dapat sa kanilang sekswalidad. Ang mga Bakla ay may higit na bilang ng Female hormones kaya pakiramdam nila ay tunay silang babae, samantalang ang mga Tomboy naman ay may mas higit na bilang ng male hormones na kung saan pakiramdam nila ay isa silang tunay na lalaki.

Fact:
Ang sexual preference o basihan ng isang tao upang malaman kung ano, saan sila nabibilang sa lipunan ay naapektuhan ng kanilang kapaligiran. Ang mga lalaki ay maaring naging Bakla dahil siya ay lumaki sa kapaligiran na puro babae ang kanyang nakakasalamuha sa pang.araw.araw na buhay mula ng sya ay bata pa, maari ring maapektuhan sa paraan ng pagpapalaki sa isang bata. Ganon din ang paraan kung bakit naging Tomboy ang isang babae, naaapektuhan din ng kapaligiran ang kanyang paglaki at paghubog.

Minsan, ang pagiging bakla ay dahilan o resulta ng sexual abuse ng kapwa lalaki na mas nakakatanda sa kanila.